Pormal na inilunsad kahapon, Marso 1, sa Poblacion, San Agustin, Romblon, ng Bureau of Fire Protection (BFP) MIMAROPA ang Fire Square Road Show bilang opisyal na simula ng Fire Prevention Month ngayong taon, na may temang: “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa.”

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa fire safety, palakasin ang kahandaan ng komunidad sa oras ng emerhensiya, at itaguyod ang sama-samang pagkilos laban sa mga insidente ng sunog. Kasama sa programa ang mga educational booths, interactive demonstrations, at fire drills na bukas sa lahat ng residente.

Ayon sa BFP MIMAROPA, mahalagang maipabatid sa bawat miyembro ng komunidad ang kahalagahan ng pagiging handa at alerto upang maiwasan ang sunog at maprotektahan ang buhay at ari-arian. Inanyayahan ang publiko na makiisa at maging aktibong bahagi ng mga programa para sa kaligtasan laban sa sunog.

Source: PIA Romblon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *