Nakikiisa ang Philippine Information Agency (PIA) Region IV-A o CALABARZON sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan bilang pagkilala sa mahalagang papel at natatanging ambag ng kababaihan sa patuloy na pag-unlad ng lipunan.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, naglagay ang tanggapan ng mga tarpaulin at iba pang visual materials na nagpapakita ng suporta sa adbokasiya ng gender equality at women empowerment. Layunin nitong palawakin ang kamalayan ng publiko hinggil sa karapatan ng kababaihan at sa kanilang mahalagang gampanin sa iba’t ibang sektor.

Bukod dito, itatampok ng PIA CALABARZON sa buong buwan ang mga kuwento at karanasan ng mga kababaihang lider sa rehiyon na nagsusulong ng mas inklusibo at pantay na lipunan. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang inspiratibong mga kwento, hangad ng ahensya na higit pang mapalakas ang tinig ng kababaihan at mahikayat ang mas malawak na pakikiisa ng komunidad sa pagsusulong ng gender equality.
Patuloy na susuportahan ng PIA CALABARZON ang mga inisyatibang nagbibigay-pugay sa kakayahan, katatagan, at liderato ng kababaihan tungo sa isang mas makatarungan at progresibong bansa.
Source: PIA CALABARZON