CARMONA, Cavite — Sinimulan ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms ng House of Representatives ang public hearing kaugnay ng panukalang batas laban sa political dynasty ngayong Pebrero 12 sa lungsod ng Carmona, Cavite.

Pinangunahan nina Cong. Ziaur-Rahman Alonto Adiong, Cong. Sarah Elago, at Cong. Rachel del Mar ang pagdinig kung saan tinalakay ang mga probisyon ng isinusulong na anti-political dynasty bill na naglalayong maiwasan ang pag-ikot ng kapangyarihan sa iisang pamilya.

Dumalo sa konsultasyon ang iba’t ibang sektor kabilang ang kabataan, kababaihan, mga guro, at kinatawan ng iba pang organisasyon upang maipahayag ang kanilang saloobin at mungkahi hinggil sa isyu ng political dynasty.

Ayon sa mga mambabatas, layunin ng pagdinig na makakalap ng malawak na pananaw mula sa publiko upang makabuo ng isang makatarungan at inklusibong panukala na magpapatibay sa demokratikong proseso sa bansa.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *