Muling pinatunayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na ang pagkakaisa ng bawat isa ay susi sa isang ligtas at malusog na komunidad nang ipagdiwang ang World Rabies Day nito lamang ika-30 ng Oktubre, 2025.
Ang naturang aktibidad ay may temang “ACT NOW: You, Me, Community,” na pinangunahan ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) ang iba’t ibang aktibidad na layuning palawakin ang kaalaman tungkol sa tamang pangangalaga ng mga alagang hayop at sa pag-iwas sa rabies.

Tampok sa selebrasyon ang Dog Walk, Dog Fun Match, Poster Making Contest, at Awarding of Best Rabies Implementor, na nagbigay-inspirasyon sa mga Batangueño na maging aktibong bahagi ng kampanya laban sa rabies.

Bukod dito, libreng anti-rabies vaccination at consultation din ang ipinagkaloob sa mga dumalo—isang patunay ng malasakit ng pamahalaan sa kalusugan ng tao at hayop.
Mula sa simpleng pag-aalaga ng alagang aso o pusa, hanggang sa pakikilahok sa mga programang pangkalusugan, tayong lahat ay may papel na ginagampanan.
Source: Batangas PIO