Puno ng saya at halakhakan ang araw ng Oktubre 30, 2025 sa Pamahalaang Bayan ng Angono matapos maglibot ang mga batang may edad 2 hanggang 10 taong gulang para sa makulit at makulay na Trick or Treat activity.

Pinangunahan ito ng Angono Tourism Office bilang masayang pagsisimula ng month-long celebration ng Higantes and Arts Festival ngayong Nobyembre, isang patunay ng masiglang kultura at malasakit ng bayan sa mga kabataan.

Bukod sa matatamis na candies, cookies, at iba pang treats, itinampok din ang best in costume kung saan nagningning ang mga batang nagpakita ng kanilang “spooky yet creative” Halloween outfits.

Tunay na sa bayan ng Angono, hindi lang sining at tradisyon ang ipinagdiriwang kundi pati ang kabataan, kasiyahan, at pagkakaisa ng komunidad.

Source: Angono PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *