Isang malaking karangalan ang nakamit ng Bayan ng Angono matapos muling kilalanin bilang Kampeon sa Nutrisyon sa buong CALABARZON, at iginawad ang Angono ang Green Banner Seal of Compliance sa ginanap na 2025 Regional Nutrition Awarding Ceremony sa Muntinlupa City kahapon Setyembre 24, 2025.

Sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa, proyekto, at edukasyong pangkalusugan, naipatupad ng Angono ang mga adhikain ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) na naglalayong siguraduhin ang wastong nutrisyon para sa bawat mamamayan, lalo na ang mga kabataan.
Ang tagumpay ng Angono ay hindi lamang parangal, kundi isang inspirasyon sa lahat ng bayan na kapag may malasakit, pagkakaisa, at konkretong aksyon, kayang sugpuin ang malnutrisyon at mapalakas ang kalusugan ng buong komunidad.
Source: Angono PIO