Nagsagawa ng House-to-House Survey ang mga Area Coordinating Teams (ACTs) ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) sa Barangay Gilotongan, Cawayan, Masbate mula Hulyo 18 hanggang Hulyo 19, 2025 bilang bahagi sa assessment ng programa nitong Air-to-Water Technology Project.
Layunin ng survey na matukoy hindi lamang ang kasalukuyang akses ng mga kabahayan sa malinis na tubig, kundi pati ang kahandaan ng komunidad na magbayad ng singil sa tubig para sa pagpapalakas sa sustainability ng proyekto.

Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga residente, masisiguro na ang proyekto ay tugma sa tunay na pangangailangan at kapasidad ng komunidad.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na stratehiya ng kagawaran sa pangunguna ni Secretary REX Gatchalian upang mapalakas ang katatagan ng mga komunidad at kahandaan sa sakuna, lalo na sa mga lugar na madalas nakakaranas ng kakulangan sa tubig lalo na sa panahon ng mga sakuna.
Source: DSWD Field Office V