Isang matagumpay at makabuluhang pagpupulong ang isinagawa ng Citizens Crime Watch (CCW) Laguna Chapter noong Hulyo 6, 2025 sa Barangay Patimbao, Sta. Cruz, Laguna.
Pinangunahan ito nina CCW Vice President Benner Latayan, Laguna Provincial Chairman Robert Clarion, at mga chapter presidents mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.
Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang ugnayan at palakasin pa ang adhikain ng grupo sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at katarungan sa komunidad.

Isang inspirasyon ang pagkakaisang ipinamalas ng mga miyembro, patunay na buhay ang diwa ng bayanihan para sa mas ligtas na Laguna..
Source: Laguna Patrol