Bilang tugon sa tumataas na bilang ng mga aksidente sa kalsada at paglabag sa batas trapiko, mas pinaigting ng Land Transportation Office (LTO) Bicol ang operasyon sa pamamagitan ng regular na enforcement operations simula July 2, 2025.
Alinsunod nito, nagsagawa ng roadside inspections ang mga law enforcement officers upang matiyak ang pagsunod ng mga motorista sa mga batas trapiko sa mga pangunahing kalsada sa rehiyon.
Kabilang sa mga pangunahing tinutukan ang mga sasakyang walang kaukulang lisensya, kulang sa dokumento, overloaded, at mga kolorum na sasakyan.

Ang operasyon ay bahagi ng direktibang inilabas ng DOTr sa pamumuno ni Secretary Vince Dizon at ng LTO sa pamumuno ni Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, na may layuning palakasin ang kampanya laban sa mga pasaway na motorista. Pinangunahan ito ni LTO Bicol RD Allan Castillejos, kasama si ARD Vincent Nato.
Patuloy ang paalala ng LTO Bicol sa mga motorista na sumunod sa batas trapiko at iwasan ang pagsakay sa mga kolorum na sasakyan upang masiguro ang ligtas na biyahe para sa lahat.
Source: LTO Bicol