Tinatayang nasa mahigit kumulang Php 170, 000.00 ang halaga ng ibinigay na Sewing Machine at lahat ng mga kagamitan bilang livelihood project na ibinahagi sa mga kababaihan ng Bayanan 2, calapan City, Oriental Mindoro nito lamang ika-19 ng Enero 2025.

Ayon sa Ina ng Lungsod, malaking tulong sa ating kapaligiran at kalikasan kung ang mga ganitong uri ng gawain ay masisimulan, ipagpapatuloy at mapapanatili. Nagpakita ng suporta ang buong Sanguniang Barangay ng Bayanan 2, Restaurant Managers ng Jollibee Food Corp sa lungsod ng  Calapan, Finance Comm. ng Pamahalaang Lungsod, CTID,  at City ENRO bilang kaagapay sa lahat ng environmental initiatives ng Green City Project.

Ang Sako Eco-Bag Making ay isang ‘upcycling project’ sa ilalim ng Green City Program, kung saan ang mga gamit nang sako ng bigas ng Jollibee at McDonalds Food Corp  ay siyang magiging pangunahing raw material sa nabanggit na livelihood project. Nasa aabot na 500 sako ang maibibigay ng ating mga katuwang sa proyektong ito, kada linggo.

Abot langit na pasasalamant naman ang ipinaabot ng Samahan ng mga Kababaihan ng Bayanan 2, sa biyaya at suporta na kanilang natanggap lalong higit mula sa Ina ng Lungsod.

Source: Tatak CalapeƱo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *