BATANGAS/QUEZON — Umabot sa Php4,671,000 halaga ng fuel assistance ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) Calabarzon sa mga magsasaka sa Batangas at Quezon sa ilalim ng Fuel Subsidy Program mula Pebrero 23 hanggang 28.

Bawat lehitimong maggugulay ay tumanggap ng Php3,000 na tulong-pinansyal para sa pagbili o pagbabayad ng krudo na ginagamit sa kanilang kagamitang pansaka.
Ayon kay DA Calabarzon OIC-Regional Executive Director Engr. Redelliza Gruezo, layunin ng programa na matulungan ang mga magsasaka upang gumaan ang kanilang gawain at mapataas ang produksyon.

Magpapatuloy naman ang Fuel Caravan sa iba pang lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON sa mga susunod na araw at linggo.
Source: PIA Calabarzon