Ipinamahagi sa 283 Calapeñong Magsasaka ang Fertilizer Discount Voucher na may kabuuang halaga na Php1,642,013 sa isinagawang FDV Distribution, para sa pangalawang batch ng mga benepisyaryo na ginanap sa Calapan City Hall, Kalap Court, Barangay Guinobatan, nitong ika-10 ng Enero 2025.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department, katuwang si CASD Focal Person, Engr. Jasper B. Adriatico.

Sa panimulang buwan ng kasalukuyang taon, damang-dama at kitang-kita ang pagmamahal at malasakit ng Punong-lungsod, Malou Morillo sa kanyang pagsisikap na maibigay para sa mga masisigasig na magsasaka ng lungsod ang kanilang mga pangangailangan, bilang tugon sa hamon ng makabagong panahon, sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng CASD sa kanyang pamumuno.

Source: Mayor Marilou Flores-Morillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *