Matagumpay ang isingawang Groundbreaking Ceremony para sa itatayong Sablayan Coliseum sa bayan ng Sablayan nito lamang ika-25 ng Enero 2025.
Dumalo at nakibahagi sa nasabing aktibidad sina Vice-Governor Diana Apigo-Tayag, Sablayan Municipal Mayor Hon. Walter Bong Marquez, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Lokal na pamahalaan ng Sabayan gayundin ng mga department heads at kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Sablayan.
Ito ay hudyat ng pagsisimula ng konstruksyon at pagpapatayo ng nasabing Sablayan Coliseum na inaasahang makapagbibigay ng karagdagang karangalan para sa bayan ng Sablayan.
Bilang Chairperson ng Senate Committee on Sports, si Senator Bong Go ay kaisa sa layunin ni Gov. Ed na mabigyan ng tulong at suporta ang mga lokal nating atleta at magkaroon ng isang coliseum ang bayan ng Sablayan upang makapagbigay ng dagdag na kita para bayan ng Sablayan.
Source: PIO Occidental Mindoro