Mapayapa ang nanging paglalakbay ng mapaghimalang Mahal na Birhen ng Biglang Awa mula sa kanyang tahanan sa Isla ng Marinduque patungo sa Intramuros, Maynila para makiisa sa taunang Grand Marian Procession nito lamang ika-1 ng Disyembre 2024.
Nagkaisa ang mga Marinduqueno para samahan sa Intramuros, Maynila ang caroza no. 47 kung saan ay lulan ang mapaghimalang Birhen ng Biglang Awa na bumiyahe pa mula sa puso ng Pilipinas para dumalo sa Grand Marian Procession.
Ang naturang paglalakbay ay sinabayan at binigyang pugay ng ilang mga mangingisda sa Brgy. Balanacan, Mogpog at mga residente nito.
Layunin ng aktibidad na ito na maiparating ang pasasakamat ng mga Marinduqueño sa Mahal na Ina sa patuloy na pagbibigay ng biyaya ng karagatan at pag-iingat sa aming mga kababayang mangingisda lalo’t higit tuwing may kalamidad.