Nagsagawa ng Consultative Meeting ang Brunieans Group kasama ang mga new investors mula sa bansang Malaysia, India at Thailand sa pagitan ng Narra Farmers’ Cooperative and Associations na isinagawa sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Narra na ginanap sa Municipal Center Point Narra, Palawan nito lamang ika-25 ng Nobyembre 2024.
Matapos ang nasabing pagpupulong ay tumungo ang mga bisita sa Panacan Port, Narra Public Market at PHilMech upang magsagawa ng pagsusuri at pag-aaral sa mga produkto ng Narra para sa posiblidad na eksportasyon ng produksyon patungo sa kanilang mga lugar.
Bukod dito ay pinag-aaralan din ang pagtatayuan ng Fuel Depot at Food Storage kung saan magiging katuwang natin ang Bruneians at ang naturang mga Investors sa pagpapa-emplementa ng mga proyektong ito na makakatulong sa ekonomiya ng bayan ng Narra.
Samantala, magpapatuloy ang ugnayan ng Munisipalidad ng Narra sa bansang Borneyo at mga katuwang na Investors upang maisakatuparan ang hangarin na magkaroon ng kalakalan tungo sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng bayan ng Narra.
Layunin nitong magtaguyod ng mga ugnayan at posibleng partnerships na magpapalago sa produksyon ng mga magsasaka sa Narra. Tinalakay din ang mga oportunidad para sa mas pinabuting sistema ng kalakalan at pamamahagi ng mga lokal na produkto sa pagitan ng dalawang bansa.
Source: 104.7 XFM Palawan