Matagumpay ang naging kaganapan sa “Natatanging Anak ng Gumaca 2024 Gabi ng Parangal” na ginanap sa Southern Quezon Convention Center noong ika-12 ng Nobyembre 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng Kautusang Bayan Bilang 21-2012 kung saan dinaluhan ito ni Governor Doktora Helen Tan.

Bilang bahagi ng ika-442 taon ng San Diego De Alcala Gumaca Patronal Town Fiesta 2024 kinilala at pinarangalan din ang mga personal na hindi matatawaran ang dedikasyon bilang residente at lingkod bayan sa Gumaca.

Itinalaga ng Gumaca Federation of Barangay Tourism si Governor Doktora Helen Tan bilang “Serbisyo Publiko” dahil sa kanyang bokasyong tumulong ng walang alinlangan, kasama na ang pagbuo ng mga proyekto at programang tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan nang Gumaca.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *