Personal na iniabot ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang tulong pinansyal para sa mga BatangueƱong naapektuhan ng bagyong Kristine noong ika-10 ng Nobyembre 2024.
Ang pamamahagi ng pinansyal na tulong ay sa ilalim ng programang “Assistance to the Bereaved Families of Typhoon Kristine” kung saan pinangunahan ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bukod dito, tumanggap din ang mga apektadong pamilya ng ilan pang suporta, gaya na lamang ng karagdagang financial aid mula sa pribadong sektor na DigiPlus Interactive.
Bukod kay First Lady Liza Marcos at Gov. Mandanas, aktibong nakibahagi rin sa ginanap na aktibidad sina DSWD Undersecretary Pinky Romualdez, Batangas First Lady Atty. Angelica Chua-Mandanas, Vice Governor Mark Leviste, 3rd District Board Members Fred Corona at Rudy Balba, Association of Barangay Captains – Provincial President, Board Member Fernando Rocafort, Talisay Mayor Nestor Natanauan at iba pang mga opisyal at kawani ng Kapitolyo.
Ang mga naipaabot na tulong pinansyal ay magsisilbing karagdagang suporta at panimula para sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi at naapektuhan dulot ng bagyo.
Source: Batangas PIO