Tumanggap ng parangal bilang “Outstanding Practices in Upcycling and Crafts Production” ang Local Government Unit (LGU) Narra, Palawan sa ginanap na 2024 EMB Mimaropa Environmental Summit sa Park Inn by Radisson North Edsa sa Quezon City, Metro Manila nito lamang ika-7 ng Nobyembre 2024.

Isa ang munisipyo ng Narra sa nakatanggap ng parangal dahil sa mahusay nitong pagpapatupad ng RA 9003 o mas kilala na Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Personal itong dinaluhan ni Hon. Mayor Gerandy B. Danao kasama si Engr. Neil Varcas ng MENRO-Narra.

Sa summit ay kinilala rin ang mga piling Local Government at paaralan sa kanilang pagpapatupad ng Best Ecological Solid Waste Management Practices kasunod ng gaganaping monitoring activities sa pamamagitan ng Regional Search for the Most Sustainable and Eco-Friendly Schools program.

Layunin ng aktibidad na pagsama-samahin ang mga LGU sa MIMAROPA para talakayin ang mga napapanahong paksa para sa maayos na kapaligiran, partikular na ang ecological solid waste management.

Source: LGU Narra

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *