Pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes, Department of Social Welfare and Development – DSWD Region IV-A at mga miyembro ng KALAHI CIDSS Inter-Agency Council ang pagtalakay sa kasalukuyang estado ng Farm-to-Market Road sa Brgy. Boot noong ika-5 ng Nobyembre 2024.
Sa pagpupulong, ibinahagi nina Engr. Liza Climacosa at ng mga miyembro ng Inter-Agency Council ang on-going project implementation katuwang ang Sangguniang Barangay ng Boot at iba pang Area Coordinating Team.
Ang naturang programa ay nakapaloob sa Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS, layunin nitong makapaghatid ng mga programang pangkomunidad sa iba’t ibang bayan tulad ng farm-to market roads na maghahatid ng pangunahing bilihin at pangangailangan sa mga Tanaueño.
Makatutulong din ito para sa pagsulong ng pagsugpo ng kahirapan sa mga lungsod partikular na sa mga residente mula sa Brgy. Boot.
Source: Tanauan CGTV