Naghatid ng tulong ang DSWD sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Kristine na kasalukuyang nananatili sa evacuation centers ng Barangay Camantaya at Lusong sa Romblon nito lamang ika-23 ng Oktubre 2024.
Ang naturang pamamahagi ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development, ang lokal na pamahalaan ng San Agustin, mga kapulisan, at tauhan ng Bureau of Fire Protection.
Sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at kapulisan masisigurado na maipapaabot sa mga mamamayan ang agarang tulong sa kanilang mga pangangailangan, maibsan ang kanilang kalungkulan sa mga nangyari, at ipaabot at iparamdam ang suporta na kanilang kailangan sa pagbangon mula sa naranasang kalamidad.
Source: PIA Romblon