Masaya at masiglang ipinagdiwang ng mga huwarang guro ng Calapan ang National Teacher’s Month 2024 na mayroong temang “Bida si Teacher! Pagpupugay sa mga Guro ng Lungsod ng Calapan” na ginanap sa iba’t ibang paaralang pang-elementary at sekondarya sa lungsod ng Calapan nito lamang ika-1 ng Oktubre 2024.



Ang aktibidad ay pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan at City Education Department. Buong galak at tuwang pinuntahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, kasama ang mga konsehal ang mga paaralan sa lungsod.
Bilang bahagi ng selebrasyon ay naghandog ng Pamper Day sa mga guro sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyong hatid tulad ng libreng massage, haircut, manicure at pedicure.
Layunin nitong maiparamdam sa mga kaguruan ang pasasalamat at pagpapahalaga sa kanilang sakripisyo at pagsisikap na buong puso at isip na tinuturuan ang bawat kabataan ng iba’t ibang karunungan para sa kanilang magandang kinabukasan.
Source: Tatak Calapeño