Pinakawalan ang mga iniligtas na 109 hawksbill sea turtle (Eretmochelys imbricata) hatchlings sa baybayin ng Barangay Cagmanaba, Oas, Albay nitong Linggo, September 29, 2024.

Unang iniulat ang nesting activity ng isang residente noong Agosto 4, 2024, sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Guinobatan.

Tulong-tulong naman ang mga tauhan ng Ticao-Burias Pass Protected Seascape (TBPPS) Protected Area Management Office (PAMO), kasama ang mga residente at mga opisyales ng barangay sa pagligtas at pagpakawala ng mga Hawksbill hatchlings pabalik sa kanilang natural na tahanan.

Ipinagbabawal ang pagdakip, pagpatay at pagsira ng kahit anong uri ng wildlife species sa ilalim ng Republic Act (R.A) 11038 or the “Expanded National Integrated Protected Areas Systems (ENIPAS) Act of 2018. Itinuturing na critically endangered ang marine turtle species tulad ng Hawksbill Sea Turtle.

Lahat ng wildlife sa Pilipinas ay protektado sa ilalim ng Republic Act No. 9147 o “Wildlife Resources Conservation and Protection Act.”

Source: DENR Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *