Iba’t ibang serbisyo at programa ng pamahalaan ang hatid ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na inilunsad para sa mga Caviteño, simula noong Biyernes, Setyembre 27 hanggang Sabado, Setyembre 28, 2024.

Ang programa ay pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez, katuwang sina Senator Ramon “Bong” Revilla Jr, 1st District Representative Ramon “Jolo” Revilla, 2nd District Representative Lani Mercado-Revilla, Agimat Partylist Bryan Revilla at mahigit 200 na kongresista.

Bilang bahagi ng dalawang araw na programa, mayroong mga pocket booths na inilagay sa iba’t ibang lugar sa Cavite tulad ng Kawit, Imus, General Trias at Bacoor City upang masiguro na mas maraming mga Caviteño ang mabigyan ng mga serbisyo.

Tinatayang aabot sa 100,000 Caviteño ang nakatanggap ng nasabing serbisyo, mahigit 65 na ahensya naman ang nakilahok sa nasabing aktibidad.

Ang BPSF ay inisyatibo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalayon na mas ilapit sa mga mamamayang Pilipino ang serbisyo at programa ng pamahalaan alinsunod sa adbokasiyang, “Mabilis, Maayos, Maginhawa, at Masayang serbisyo publiko”.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *