Ipinagdiwang ng Lungsod ng Tanauan ang taunang Tikme Festival at parte nito ang Product Exhibit ng DOST Batangas sa pamumumo ni Sec. Dr. Renato Solidum Jr., DOST Regional Operations USec. Engr. Sancho Mabborang, DOST Batangas RD Ms. Emelita Bagsit katuwang ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes.

Ang festival ay pormal na binuksan noong ika-30 ng Agosto, at patuloy na ipinagdiriwang sa kasalukuyan, tampok dito ang iba’t ibang produkto na tunay ngang ipinagmamalaki sa Lalawigan ng Batangas.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng 36 na mga Micro, Small and Medium Enterprise (MSME) Exhibitors mula Lungsod ng Tanauan, Lipa at Malvar kung saan matitikman ang iba’t ibang delicacies mula bread and pastries, kakanin, locally-processed foods at iba pa.

Binigyang-pagkilala rin ang mga nagsipagtapos ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (DOST-SETUP), GIA-CBP Adoptors at mga TIKME Exhibitors.

Bukod sa food tasting exhibit, ihahatid din ng DOST Batangas katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang libreng seminars at training tulad ng Organic Farming at Water Sanitation.

Layon ng aktibidad na ipakilala ang mga produktong Batangan, kabilang na ang Produktong Tanauan na gawa ng ating mga bagong Micro, Small, Medium Entrepreneurs.

Source : Tanauan CGTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *