Makulay at masayang selebrasyon ang ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto sa bayan ng Cavinti, Laguna, ang Sambalilo Festival.
Sinasabing ang sambalilo ay isang uri ng sombrero kung saan, ito ay tinaguriang pinakamalaking sambalilo sa buong mundo.

Taong 2016, iginawad sa bayan ng Cavinti ang Gilas World Record para sa “Largest Sambalilo Hat” na may sukat na 13 metro ang diyametro.
Agaw-pansin ang sombrerong ito dahil sa taglay na kulay at laki nito.
Tampok din ang street dancing competition, booth competition, hari ng kalsada, hiyas ng Cavinti, at search for Ginoo at Binibining Cavinti 2024.

Sentro rin ng pagdiriwang ang Sambalilo Fun Run kung saan ay nilahukan ito ng 12 na miyembro mula sa Laguna PPO Running Team.
Ang Cavinti ay nagkaroon na ng pangalan sa industriya ng turismo kung kaya ito’y isang tradisyon upang manatili ang produkto ng cavinti.
Ito ay malaking tulong para sa kanilang mga kababayan dahil isa ito sa mga pinagkukunan ng livelihood program ng kanilang nasasakupan.