Namahagi ng tulong ang Disaster Response Management Division (DRMD) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa pamamagitan ng Municipal SWAD Action Team sa dalawang pamilyang naapektuhan ng insidente ng sunog sa Barangay Ponso, Polangui, Albay, noong Agosto 5, 2024.

Nakatanggap ang bawat pamilya ng dalawang Family Food Packs, 6 na litro ng bottled water, at isang set ng essential non-food relief items, kabilang ang hygiene kits, sleeping kits, family kits, kitchen kits, at 10 metrong laminated sacks, na nagkakahalaga ng Php11,718.96.
Bukod pa rito, ang mga pamilya ay tatanggap din ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
Ang DSWD ay nananatiling nakatuon sa pagbibigay ng napapanahon at epektibong suporta sa mga apektadong pamilya sa oras ng kalamidad at sakuna.
Source: DSWD Bicol