Nagsagawa ng 1st Food Redemption ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program noong Hulyo 19, 2024 sa Sorsogon City.
Nasa 246 na kabahayan mula sa lungsod ang nabiyayaan sa food redemption at nabigyan ng mas magandang access sa masustansyang pagkain gamit ang Electronic Benefit Transfer (EBT) card na nagkakahalaga ng Php3,000.

Ang programa ay naglalayong magbigay ng mas mahusay na access sa masustansyang pagkain upang mabawasan ang malnutrisyon na nararanasan ng mga kabahayan na may mababang kita.
Ang nasabing programa ay naglalayong magbigay ng mga pagkakataon para sa mga benepisyaryo na maging produktibong mamamayan at magkaroon ng pagbabago sa lipunan patungkol sa pagkonsumo ng masustansya, abot-kaya, at masasarap na pagkain.
Source: DSWD Bicol