Ikinatuwa ng mga residente ng Barangay Maidlang ang balitang dala ni Gobernador Bonz Dolor nang kanyang personal na bisitahin ang kanilang lugar nito lamang Hulyo 4, 2024.

Ipinahayag ng gobernador ang pagsisimula ng proyektong pagpapalalim ng mga ilog na naglalayong mabawasan ang pagbaha sa tuwing may malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan.

Ang Barangay Maidlang ay isa sa mga barangay na makikinabang sa proyektong ito, na layong magbigay ginhawa sa mga residente laban sa panganib na dulot ng pagbaha.

Kasama ng gobernador ang ilang opisyal ng lalawigan at lungsod ng Calapan. Sa kanilang pagbisita, ipinakita nila ang importansya ng bawat residente ng Barangay Maidlang sa Pamahalaang Panlalawigan.

Ang proyekto ng pagpapalalim ng mga ilog ay bahagi ng mas malawak na programa ng pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga komunidad sa buong lalawigan.

Ang hakbang na ito ay patunay lamang ng pagkakaisa at pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga mamamayan sa pagsulong ng kaunlaran at kapayapaan sa lalawigan.

Source: Provincial Information Office-Oriental Mindoro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *