Mahigit 400 residente ng isla ng Rapu-Rapu, Albay ang nabigyan kamakailan ng libreng serbisyong medikal ng Tarabangan Caravan ng Ako Bicol Partylist at partner organizations.

Naging katuwang ng Ako Bicol ang Tanchuling General Hospital sa pagbibigay ng serbisyong medikal at libreng gamot, habang ang Eve Gate Academy ay naglunsad ng libreng gupit, masahe at nail care.

Masustansyang tinapay para sa mga residente ang hatid naman ng Gardenia Bakeries Philippines Inc.

Ginhawa at pag-asa para sa mga piling benepisyaryo ang hatid na libreng wheelchair ng Free Wheelchair Mission at Children International Philippines Inc. Libreng sabon naman mula sa Children International Phil. Inc. at nagkaroon din ng Local Recruitment Activity para sa mga kababayan na naghahanap ng trabaho na hatid ng Sunwest Inc.

Pinamangha naman ni Aurelius D’ Magician ang mga batang pumunta.

Nagpapasalamat ang Ako Bicol Partylist sa Philippine Navy – NAVFORSOL sa libreng pagpapasakay, Philippine National Police, Philippine Army, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology at sa lahat ng tumulong para maging matagumpay ang aktibidad na ito.

Pati na rin sa Beybi Ko, Freeda Napkin, Mogu Mogu na kasama rin sa Tarabangan Caravan.

Ito na ang pang-10 Ako Bicol Tarabangan Caravan para sa ngayong taon.

Source: Ako Bicol Online TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *