Nakapaghatid muli ang Ako Bicol Partylist at partner organizations ng libreng serbisyong medikal sa mga kababayan sa Tabaco City, Albay sa pamamagitan ng Tarabangan Caravan: Medical, Dental Mission at Local Recruitment Activity sa Barangay Cormidal, Tabaco City.
Pinangunahan ni Ako Bicol Congressman “Jil” Bongalon kasama ang mga kahanay niya sa “Young Guns”, isang grupo ng mga batang kongresista kabilang sina 1-Rider Party List Rep. Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez, Ilocano Ako PartyList Rep. Richelle Singson, at Cagayan de Oro 1st District Congressman Lordan Suan.

Nasa 550 benepisyaryo mula sa mga barangay ng Cormidal, Tayhi, Sto. Cristo, Bacolod, Pawa, Divino Rostro ang nakatanggap ng libreng medical check-ups, laboratories at libreng gamot hatid ng Tanchuling General Hospital, Inc.
Mayroon ding libreng masahe, gupit, at nail care na handog naman ng Eve Gate Academy.
Ang San Francisco Institute of Science and Technology sa Malilipot, Albay kasama ang TESDA ay nagsagawa naman ng demo training para sa Donut and Cheese Making at Solar Installation Panel.
Namahagi rin ng limang wheelchairs mula sa Free Wheelchair Mission.
Trabaho naman ang handog ng Sunwest Inc. sa mga kababayang jobseekers.
May libreng tinapay naman mula sa Gardenia Bakeries Philippines, Inc. at mga sabon mula sa Clean the World Philippines at Children International Philippines Inc.
Naging katuwang din sa aktibidad ang Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Army.
Source: Ako Bicol Party List