Nagsagawa ng clean-up drive ang mga kasapi ng Philippine Institute of Civil Engineers sa pangunguna ni Engr. Ric Lacson, Camarines Norte Chapter President sa Bagasbas Beach, Daet nito lamang ika-13 ng Abril 2024.
Ito ay bahagi ng kanilang kampanya para mapangalagaan ang kapaligiran. Kapansin-pansin naman na ang basurang kanilang pinulot ay sadyang inihiwa-hiwalay o segregated base sa nabubulok, hindi nabubulok, at residual wastes.

Lumahok ang nasa 70 Civil Engineers sa nasabing clean-up drive kabilang ang mga chapter officers, eningeers ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Provincial Government of Camarines Norte, at si Provincial Board Member Engr. Muriel Pandi.
Ayon kay Chapter President Engr. Lacson, ang aktibidad na ito ay para sa environmental protection at sa good health na rin ng mga engineers. Dagdag pa niya, “Healthy sa katawan ang banayad na init ng araw at ang ganitong physical activity na pwede tayong pagpawisan din.”
Nakalinya din ang monthly activities ng organisasyon kung saan nakatakda ang bloodletting sa darating na Mayo at general assembly naman sa Hunyo.
Source: Camarines Norte PIO