Matagumpay na isinagawa ang pamamahagi ng Php10 milyong halaga ng kagamitan sa pangingisda sa mga samahan ng mangingisda sa Barangay Pinggan sa Gasan at ng bayan ng Buenavista, Marinduque nito lamang ika-22 ng Abril 2025.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional at Provincial Office ng Marinduque kasama ang mga kinatawan ng Municipal Agriculturist Office (MAO) mula sa dalawang lokal na pamahalaan, gayundun ang pamahalaang panlalawigan at Coast Guard Station Marinduque.
Kabilang sa mga gamit na ipinamahagi sa pangingisda ay ang dalawang 24-footer at 62-footer fishing boat at mga fishing gears. Ayon kay Director Abrera na ang mga nasabing fishing boat ay ipagkakaloob sa dalawang dating Person Deprived of Liberty (PDL) na gustong magbagong buhay bilang mangingisda, habang ang malaking fishing boat ay maaari nilang magamit sa pangingisda sa karagatan ng Marinduque.
Layunin nitong mapabuti ang kabuhayan ng bawat mangingisda, mapataas ang produksyon ng isda, at maisulong ang ligtas at sustenableng pangingisda sa lalawigan.
Source: PIA Marinduque