Agad na namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development Field Office V (DSWD FO V) sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division (DRMD) sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay 27 Victory Village at Lapu Lapu, Legazpi City, Albay, nito lamang Marso 1, 2024.
Sa inisyal na ulat ay bandang alas 10:00 ng gabi nang maganap ang sunog noong Marso 1, 2024 sa isang residential house sa Barangay 27, isang oras ang lumipas bago naapula ang apoy.

Nang matanggap ang ulat, ang DRMD team, kasama ang mga kawani mula sa FO V Office ng Regional Director sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na pamahalaan ng Legazpi ay agad na nagsagawa ng mga assessment at naghatid ng sleeping kits at family kits upang maibsan ang pangangailangan ng unang apat na mga apektadong pamilya.
Tinitiyak din ng ahensya na agad na maibibigay ang karagdagang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog upang kahit papaano ay maibsan ang kanilang pag aalala kung saan at kung paano sila muling magsisimula matapos ang nangyaring kalamidad.
Source: DSWD Field Office 5 – Bicol