Muling nagsama-sama ang ilang media practitioners sa lalawigan ng Palawan sa isinagawang Arampangan sa Kapitolyo (ASK) na ginanap sa Governor’s Conference Room, Provincial Government of Palawan sa Provincial Capitol Building, Rizal Avenue, Puerto Princesa City nito lamang ika-29 ng Pebrero 2024.

Ang Arampangan sa Kapitolyo ay pinangasiwaan ni Atty. Christian Jay Cojamco, PIO ng Provincial Information Office.

Dumalo rin ang mga kawani ng Culture and Arts Program Manager at Office of the Governor Development Management Office kung saan una nilang ibinahagi ang matagumpay na pagdiriwang ng National Arts Month sa lalawigan sa pamamagitan ng Sikatugyaw Arts Festival.

Naging makabuluhan ang naturang aktibidad kung saan inilatag ni G. Dominic Fresnillo ng tanggapan ng Gender and Development (GAD) ang mga aktibidad na inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng GAD Office kabilang ang Usapang Palaweña, Serbisyong Pangkalusugan para kay Juana, Gender Sensitivity Training, pamamahagi ng Community-Based Gender and Development Livelihood at iba pa.

Sa pamamagitan ng Arampangan sa Kapitolyo mas mapaparamdam at maipapaabot sa mga Palaweño ang serbisyong handog ng pamahalaan para sa ikauunlad ng sarili upang magampanan ng maayos ang tungkulin sa bayan.

Source: PIO Palawan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *