Maaaring makinabang ang mga magsasaka sa Oriental Mindoro sa mas mabilis at episyenteng pag-spray ng mga pananim at paghahasik ng binhi sa pamamagitan ng teknolohiyang drone.
Pinalalawak ng Mindoro State University (MinSU), sa tulong ng Department of Agriculture (DA) MIMAROPA, ang pananaliksik at pagsasanay sa paggamit ng mga drone sa agrikultura upang matukoy ang pakinabang nito sa iba’t ibang operasyon sa sakahan.
Kayang magdala ng drone ng hanggang 30 litro ng likido para sa pag-spray o 30 kilo ng mga binhi para sa malawakang paghahasik. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga mananaliksik at mag-aaral na pag-aralan kung paano magagamit ang makabagong teknolohiya upang mapahusay ang mga gawaing pang-agrikultura at makatulong sa pagpapataas ng produktibidad ng mga magsasaka.
Source: PIA MIMAROPA