Nakiisa sa isinagawang feeding program ang Mutya ng Catanduanes na si Ms. Khate Audrey Castin na ginanap sa Calabnigan Elementary School, Virac Catanduanes nito lang ika-24 ng Setyembre 2023.
Nasa 130 na mag-aaral ang naging benepisyaro ng naturang aktibidad na pinangunahan ng Virac PNP.
Ngiti at pasasalamat naman ang isinukli ng mga mag-aaral sa natanggap nilang libreng pagkain.
Ang aktibidad ay isang adbokasiya ng Mutya ng Catanduanes na hangaring makatulong sa mga bata.
Patuloy din ang suporta ng Mutya ng Catanduanes sa PNP sa pagtulong sa ating mga kabataang mag-aaral upang maging maayos at gumanda ang kanilang kinabukasan.