Ang Villa Bayot ay isa sa ipinagmamalaki ng probinsya ng Masbate dahil sa mayaman nitong pamana sa pamamagitan ng pagpepreserba sa mga sinaunang katangi-tanging istruktura at natatanging arkitektura.
Ang Villa Bayot ay isang bahay na itinayo noong 1880, tinangkilik ito noong panahon ng Espanya at nagsilbi na rin na pinakasikat na kainan. Inihahanda dito ang pinakamasarap na alak mula sa Maynila at Acapulco at ang pinakamalaking lobster mula sa Masbate Bay.
Noong 1944, binaril at binomba ng mga Amerikano ang kabisera ng Masbate ngunit naligtas ang malaking bahay ng Villa Bayot. Ang Villa Bayot ay isa ring tourist spot na pinupuntahan ng mga turista. Patuloy na humahanga ang mga bisita dahil sa magagandang katangian at kahalagahan nito sa ating kasaysayan.