Ang Luyang Cave ay matatagpuan sa Barangay Lictin sa Munisipalidad ng San Andres, Catanduanes.
Noong unang isang siglo ang Luyang Cave ay nagsilbing taguan ng mga Muslim Slave Raider. Pagpasok sa loob ng kuweba ay makikita rito ang isang maliit na altar at isang maliit na daanan na dinadaluyan ng malamig na tubig.
Ang kuweba ay mayroong parke bago ka makapasok sa loob at isa na rin ito sa mga tourist spot na pinupuntahan ng mga turista sa bayan ng San Andres.