Ang Maribina Falls ay matatagpuan sa bayan ng Bato, Catanduanes. Ito ay isa sa pinakasikat at may magandang talon sa bayan ng Bato, ito ay may humigit-kumulang 5-6 na metro ang taas at umaagos ang kumikinang, malinaw at malamig na tubig.

Ang falls ay ipinangalan sa isang nayon ng Marinawa o (MARI) at Binanwahan o (BINA).

Ang talon ay mayroon ding cottage na pwedeng arkilahin ng mga turista sa lugar at angkop din ito sa mga mahilig mag-picnic dahil sa napakaganda at maaliwalas na tanawin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *