Ang Tinalisayan Island ay matatagpuan sa bayan ng San Pascual, sa probinsya ng Masbate. Isa rin sa maringal na isla na hindi mo dapat palampasin sa inyong bakasyon.
Ito ay kilala sa tawag na Tinalisayan Island o minsan Tinalisayan Islets, ang karamihan sa mga bumibisita dito ay hindi maikakailang namamangha sa islang ito.
Ang puting buhangin sa Islang ito ay napapalibutan ng malinaw at kulay esmeraldang tubig, mayroon ding mga rock formation, at may mga nakatanim na puno ng niyog sa paligid. Ang isla na ito ay isa rin sa pangunahing atraksyon na walang dudang magpapahanga sa lahat ng turistang bumibisita dito.