
Ang Bagatao Island Lighthouse ay matatagpuan sa Munisipalidad ng Magallanes, sa lalawigan ng Sorsogon. Ito ay naging pangunahing gabay ng mga marino partikular na sa mga mangingisda sa lugar lalo na tuwing gabi.
Ang parolang ito ay naging malaking tulong sa mga manlalakbay sa dagat upang makabalik sa pampang at makahanap ng kasiguraduhan na hindi sila maliligaw.
Ito rin ay naging destinasyon ng mga turista dahil ang tanawin mula sa taas ng parola ay napakaganda at nakamamangha dahil dito nakikita ang malawak na look ng Sorsogon at ilang anyong lupa sa paligid na natatakpan ng mga punong kahoy.