Ang Coron Festival ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong Linggo ng Agosto sa bayan ng Tiwi, Albay. Itinatampok dito ang isang pagtatanghal sa kalye na nilahukan ng iba’t ibang pampubliko at pribadong sektor.
Ang pagdiriwang ay tumatagal ng isang linggong kasiyahan upang parangalan ang patron ng Nuestra Señora de Salvacion.
Itinatampok din sa pagdiriwang ang mahabang prusisyon gamit ang mga mga bangka at iba pang sasakyang-pandagat. Ibinibida rin dito ang magaganda at kakaibang mga disenyo ng kanilang mga palayok.
Sa nasabing pagdiriwang, libu-libong mga deboto at grupo ng relihiyon ang lumalahok at dumadalo nito.