Ang St. Agnes Academy ay isang pribadong paaralang Katoliko sa Legazpi City, Albay. Ito ay itinatag noong Hulyo 1, 1912 nila Srs. Ferdinanda, Edilburgis, at Alexia na misyonerong Benedictine Sisters ng Tutzing, Germany.

Noon ay pinangalanan itong Academia de Santa Ines pagkatapos ng napili nitong patron na si St. Agnes ng Roma, ang paaralan ay nagbukas bilang isang all-girl primary school na may 47 enrollees.

At ang unang gusali nito ay ang lumang kumbento ng parokya ng St. Gregory the Great Church of Albay. Kalaunan ay binuksan ito bilang isang sekondaryang paaralan noong 1917.

Ang St. Agnes Academy ay isang makasaysayang istraktura at ito ay kabilang sa pinakamatandang historical marker sa Albay, na inilagay ng Philippines Historical Committee noong 1940.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *