
Ito ay mas kilala bilang Padre Pio Shrine, isang simbahang parokya at pilgrimage site na matatagpuan sa kahabaan ng Gobernador Antonio Carpio Avenue (Sto Tomas-Lipa road) sa Barangay San Pedro, Santo Tomas, Batanagas na inilaan sa Italyano na si Saint Pio Pietrelcina.
Pinangasiwaan ng Roman Catholic Archdiocese of Lipa kung saan itinalagang Pambansang Dambana ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines na unang ginawa sa Batangas at sa rehiyon ng CALABARZON at tinaguriang 4th World Apostolic Congress of Mercy na ginanap noong Enero 16-20, 2017.
Mga bulaklak ang makikita sa imahe ni St. Padre Pio, bago matapos ang Misa ay maaaring mag-alay ng puti o pulang rosas. Ayon sa alamat, sinasabing may isang babae na nagngangalang Vittoria ang nakakita ng mga kumikinang na sinag na nabuo ng libu-libong puti at pulang rosas na nagmula sa St. Padre Pio at kumalat sa bawat direksyon.
Ang naturang babae ay humingi ng paliwanag mula sa santo at sinabi sa babae na ang mga puting rosas sa kanyang pangitain ay kumakatawan sa mga kaluluwang nagtatangkang mamuhay sa biyaya, sa pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa, habang ang mga pulang rosas ay kumakatawan sa mga nagpapasan ng krus ng nagdurusa nang may kagalakanat kaisa ni Hesus ay nagtutulungan sa pagbabagong loob ng mga makasalanan at sa kaligtasan ng iba.