Arestado ang isang babaeng alyas “Gemarie,” na itinuturing umanong Street Level Individual (SLI), sa isinagawang buy-bust operation ng Batangas City Police Station sa Brgy. Kumintang Ibaba, Batangas City.

Nakuha umano mula sa suspek ang 15 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang anim na gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱40,000.

Nasa kustodiya na ng Batangas City Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *