CARMONA, Cavite (PIA) — Makikinabang ang lahat ng 829 barangay sa lalawigan ng Cavite sa karagdagang pondong inilaan ng pambansang pamahalaan sa ilalim ng programang “Bawat Barangay Makikinabang.”

Pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang pamamahagi ng P200,000 karagdagang pondo para sa bawat barangay mula sa Socio-Civic Projects Fund (SCPF) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Carmona, Cavite ngayong Setyembre 11.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Recto ang adhikain ng Pangulong Marcos na matiyak na direktang mapapakinabangan ng mga komunidad ang mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Aniya, bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyon na mapalawak ang paghahatid ng serbisyo sa mga barangay at matiyak na walang komunidad ang maiiwan sa mga benepisyo ng mga programa ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng karagdagang pondo, inaasahang maisasagawa ng mga barangay ang mga proyektong tutugon sa kanilang mga pangunahing pangangailangan at makatutulong sa kapakanan ng mga residente.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *