Nakatanggap ng kabuuang ₱350,000 na livelihood assistance ang sampung kababaihan sa Bulalacao, Oriental Mindoro sa ilalim ng Self-Employment and Sustainable Livelihood Assistance Program (SESLAP) ng lokal na pamahalaan. Bawat benepisyaryo ay pinagkalooban ng Negosyo sa Kariton (NegoKart) na nagkakahalaga ng ₱30,000 at ₱5,000 na panimulang puhunan upang makapagsimula o mapalawak ang kanilang maliliit na negosyo.

Ayon kay Mayor Lumelito “Lumel” M. Cabagay, layunin ng programa na palakasin ang kakayahang pangkabuhayan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa sariling hanapbuhay. Pinondohan ng Sangguniang Bayan ang programa, habang pinangasiwaan ng Municipal PESO ang pagpili, pagsasanay, at pagmomonitor sa mga benepisyaryo upang matiyak ang matagumpay na pagpapatupad nito.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *