Sumailalim sa komprehensibong pagsasanay ang mga magsasaka upang mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa produksyon ng pinya at napapanatiling pamamaraan ng pagsasaka.
Tinalakay sa pagsasanay ang iba’t ibang mahahalagang paksa kabilang ang produksyon ng pinya at tamang post-harvest management, pagkilala at pamamahala sa mga peste at sakit ng pananim, pamamahala sa sustansya ng lupa (soil fertility management), at paglikha ng mas malusog na lupa sa pamamagitan ng soil rejuvenation at ligtas na pest management.
Layunin ng programa na mapahusay ang kalidad at dami ng ani ng pinya, mabawasan ang pinsalang dulot ng peste at sakit, at maisulong ang paggamit ng mga ligtas at makakalikasang pamamaraan sa pagsasaka upang mapataas ang kita at kabuhayan ng mga magsasaka.
Source: PIA CALABARZON