Ipinagpatuloy ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang pamamahagi ng tig-10 kilong bigas sa 6,155 pamilyang benepisyaryo sa Calapan City sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) ng pambansang pamahalaan nitong Martes, Hulyo 14.
Pinangunahan ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor ang pamamahagi sa Bulwagang Panlalawigan, habang sabay ding isinagawa ang distribusyon sa iba’t ibang barangay upang mapabilis ang paghahatid ng ayuda sa mga benepisyaryo.

Ayon kay Gov. Dolor, bahagi ang programa ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na matiyak ang sapat na suplay ng pagkain para sa mga pamilyang nangangailangan sa buong lalawigan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na palakasin ang mga programang nagbibigay ng agarang tulong sa mga mamamayan.
Source: PIA MIMAROPA