Ang Calintaan Cave ay matatagpuan sa Calintaan Island sa Matnog, Sorsogon. Ito ay mapupuntahan lamang sa pamamagitan ng bangka at kadalasan ito ay bahagi ng island hopping itinerary ng mga turista.

Maaari lamang bisitahin ang kuweba kapag ang dagat ay kalmado, dahil ang malakas na agos ay magiging mapanganib sa mga papasok ng kuweba. 
 
Kapag maganda naman ang panahon, maaari kang lumangoy papasok sa kuweba at masasaksikan mo dito ang mga malalaking bato, mga nakapaligid na puno, kulay asul na tubig at pinkish na buhangin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *